They say that behind every great brand is a great mind and a great story. As such, we have interviewed one of the successful entrepreneur in Tarlac today to give us a sneak peak of the sweet beginnings and rough roads she had to go through before reaching her peak. Meet the person behind the brands and discover the shortest way to success through her shared experiences, pitfalls and learning.
TTKK Feature Blog Number 7 by: Ma. Era Cecilia Nunag
"I would like to share mine to our kapwa TarlaqueƱos and the whole world as I was featured locally, in National tv ( CTV News - Canada ) and International news television like BBC World News America / London. I was also featured in magazine, journals and biggest newspaper in Canada as a role model that gives inspiration to my fellow OFW, young/ old entrepreneurs and as a 5'2" Asian woman that operates the biggest truck in the whole world , the size of a 2 storey house that you can only see in discovery channel. Maliban diyan kinuha rin ako sa National Film Board of Canada bilang tumatayong actress sa documentaries nila. Lahat ng mga yan ay may links sa you tube and FB at sa mga designated areas of their responsibilities .
I was an OFW for less than 4 years and luckily nakapag Canada. Wala akong kamag anak, walang tumulong at walang kakilala. Lakasan ng loob basta para sa Family gagawin ang lahat para sa kinabukasan. Hanggang matapos ko ang program as a live-in caregiver. Sinuwerteng makapag work sa isang multi billion oilsand company na halos mahimatay ka sa kita at laki ng truck. Ang tawag sa Amin na ganito ang work ay Heavy Equipment Operator / heavy hauler. Halos 35 na elephants ang kasya sa truck naming maliit. Ang nakakarga ng truck namin ay almost 500 tons na oilsand.
Maraming namangha sa klase ng trabaho ko for more that 8 years at kaka retire ko lang dito sa bansa natin para mag asawa at magka anak pa ( pwede pang humabol sa edad na 39 years old š).
I worked 6 and 6, ang ibig sabihin niyan ay papasok ako ng 3 days and 3 nights at daysoff ko ng 6 na araw. Dito bumilib ang mga banyaga dahil bukod sa batak ako sa pag o operate ng mga giant trucks ng 12 hours per shift at overtime on top of that nagawa ko pang mag open ng iba't Ibang maliit na negosyo na tugma sa personalidad ko , Fashion ! Ako ay kilala sa lugar ng Fort McMurray, Alberta Canada na fashionista , the FROST Lady na sinamahan ko pa ng pagpapatayo ng isang wedding business kung Saan ako ang gumagawa palagi ng wedding show/ fashion show. Dahil sa angking sipag at Lalo akong nagsilbing inspiration sa kapwa Filipinos at mga banyaga, lagi akong naiimbitahan sa ibat ibang parte ng Canada ( Miss Earth Canada , Canada World Wide Pageant and pati pang batang pageant kinukuha rin ako ) and bansang Pilipinas ( National Pageant at pati sa local pageant natin na ilang beses ko na ring dinaluhan like Miss Tarlac ng ilang beses at Ginoong TarlaqueƱo at napakarami pa ). Marami rin akong nari received na messages sa mga taong Hindi ko kilala at kilala ko na nagpapasalamat sa akin sa nakita ilang sipag, tapang, pagbibigay ng magandang halimbawa sa kapwa natin na ang pag asenso ay nandiyan lamang basta masipag ka, may pananampalataya sa Diyos, wala kang tinatapakang tao. Isipin mo palagi ang kinabukasan ng mga mahal mo sa buhay. Ang pag a abroad ay Hindi biro napalaking sakripisyo at delikado. Hindi lahat ng nag a abroad at sinusuwerte. Wala sa Ibang Bansa ang pag asenso, basta masipag ka at may determination sa buhay aasenso ka. Lunukin mo ang pride at ang mga na ri receive mong destructive criticisms sa buhay mo ay gawin mong challenges ng buhay mo wag kang mainsulto gamitin mo yung challenge sa buhay mo. Kapag nakaya mo yun asenso ang kapalit ng Lahat ng panglalait. Dinanas ko din yan noon at ngayon ang mga nanglalait sa akin at halos ako rin ang na tatakbuhan nila sa mgapangangailangan nila sa buhay. Ganun pa man ang na experienced ko sa Kanila maluwag pa rin ang pagtulong ko sa Kanila at Hindi ako nagtanim ng sama ng loob. Alisin ang inggit sa kapwa dahil walang maidudulot na mabuti yan sa buhay .
Ganunpaman, kahit mayroon akong full time job as a heavy Equipment Operator nagawa ko pang pagsabayin ang negosyo at pag aalaga ko sa isa kong anak. Maraming na inspired sa ganung attitude ko sa buhay. Tinatanong nila " how did you do that" ang sagot ko simple Lang , i just do it ! Time management but always , Family comes first . Hindi Lang naman ako panay work work work at business . Marami na rin akong na tulungang charities sa Bansa Canada at sa Bansa natin ng Hindi na kailangan ibulgar pa. Ang pagtulong sa Kapwa Hindi kailangan laging pina publish. 5% ng kita ko sa negosyo ay iniipon Kong pangtulong. Kahit dito sa Bansa natin ganyan ang ginagawa ko. Ang pagtulong sa kapwa at pagbibigay inspiration ay attitude ng isang Tao na minsan di natin Sadya basta lumalabas na Lang yan dahil yan ang totoong personalidad ng isang Tao lalabas ng kusa na walang halong kaplastikan. Marami na ring nakakaalam ng story ng buhay ko dahil ilang taon din akong sinusubaybayan sa isang documentary sa Canada . Taon taon may nagpupunta sa aming tahanan para ma interview ako about my life story. Hindi sila nagsasawang I featured Ito. Basta ang sabi ko basta magsilbing inspiration Ito sa kapwa ko gagawin ko para sa kanila. Minsan tawag nga nila sa akin , a 5'2" mighty Filipina, kaya kong gawin at pag sabaysabaying lahat including na diyan ang household chores at pag aalaga ng anak ko ( binata na ngayon ).
Ngayon na ako ay nasa Pilipinas na at kakakasal lamang ang main goal ko ay hahabol pa na magkaroon pa ng anak or mga anak š. Sa ngayon ang pinag kakaabalahan ko ay ang kilalang CAFE sa Tarlac, JAVALOGY Coffee Shop, Restaurant & Music Lounge at NUTRIOLOGY Beauty, Skin Care and Perfume Collection. Ito ay 2 sa mga fruits of my hard works sa abroad. Mahalaga ang pagsisipag, pagtitiyaga, at may takot sa Panginoong Diyos. Kahit gaanong hirap at puyat basta marangal na trabaho, ang kapalit niyan at biyaya at magandang kinabukasan ng itong mga mahal sa buhay"
Ma'am Calubad is also a Heavy Equipment Operator a Wedding Planner/Consultant/ Decorator a Safety & Health Management Consultant and a graduate in College of the Holy Spirit with a Bachelor of Secondary Education - Major in English.
"I hope people will learn lessons and it will serve an inspiration to people Lalo na sa Kapwa OFW natin at sa mga taong nawawalan ng pag asa sa buhay. Dahil yun kasi mga nari receive ko noong feed backs . Wala ng hope then they read my life story na minaltrato ng amo sa HK, isang bread a day lang pinapakain ng amo ko at ang tulugan ko malaki pa ang kabaong at ang kainan ko tabi ng basurahan ng Amo ko. But now dahil sa sipag at tiyaga heto na ako ngayon"
"I was televised na rin sa Umagang kay ganda, ba sila and many more tv
Networks also international Tv's, magazines , journals , biggest newspapers sa Canada na nakarating sa London and many parts of the world dahil sa itsura ko , small , Asian at Ito ang work ko, also patong patong na Ginagawa sa dayaoff ko at nakakayang i manage lahat . #Multitasking"
"Just showing you this not to be famous , I don't need that but to give inspiration and share my success stories .
Sinigurado ko na ang tingin sa Atin ng mga banyaga Ay hindi bulok kundi malinis , masipag , at lahat ng magagandang imahe bilang isang Filipina woman
Kakaibang story at Hindi pabebe na story Lang diba
Maraming matutuwa trust me
Iniklihan ko Lang ha dahil super haba ng story Pero nandun na rin siguro yung thoughts"
"Ito ang shovel namin sa work, yan ang humuhukay sa oilsand para ilagay sa box ng truck namin bago namin I biyahe sa designated dump area ng site"