Oust DepEd Schools Division Superintendent Estrelita Cunanan


ADVERTISEMENT

Ang Mayors League ng Tarlac ay naglabas ng resolution na pinapa-transfer si DepEd Schools Division Superintendent Estrelita Cunanan. Bakit?

By: Central Luzon News Center/ Tarlac Weekender


Dahil halos lahat ng district supervisors at principal sa buong lalawigan ay nagrereklamo sa kanilang mga mayors.

“Diktador” daw ang estilo ni Cunanan, ang paggamit ng pondo ay “ayon lamang sa kanyang kagustuhan”, hindi patas ang trato sa mga pamunuan at mga guro ng mga eskuwelahan, ginagawang daw silang parang mga bata, pinapahiya at ini-insulto, nagpro-promote ng mga head teachers na hindi naman qualified, kung walang travel order hindi puwedeng bumisita ang mga supervisors sa mga paaralang sinasakupan, kung magpa-miting lagi na lamang sa Gracia Restaurant sa Lubao,Pampanga, sa Rauel’s Resort sa Olongapo City, pag may gusting puntahan na lugar gagawing Lakbay Aral (tulad ng pagpunta kamakailan sa Batanes, etc, etc”.

Pinaboran niya din daw ang kontrobersiyal na Tarlac National High School Principal na si Yolanda Gonzales sa kabila ng napabunyag na illegal nitong paniningil ng P950 sa lahat ng mahigit 9,000 estudyante ng TNHS.

Pero ang pinaka matindi ay ang: HINDI QUALIFIED SI CUNANAN bilang Division Superintend daw dahil wala siya CESO.

Lahat ng mayor sa Tarlac ay pumirma sa resolution na pina-paalis si Cunanan.
Susunod daw na gagawa ng resolution mga barrangay associations at senior citizens. Ang ACT (Alliance of Concerned Teachers) naki-alam na rin.

Sina Governor Susan Yap, Congressmen Charlie Cojuangco, Victor Yap at Noel Villanueva ay nakatanggap na ng kopya ng resolution na pinadala kay DepEd Secretary Leonra Briones.
Sabi nga ni Kapitan Manuel Arciaga ng Pinasling, Gerona, sa harapan ni Gov Susan Yap, “kung ako ay may anak na 17 at lahat sila ay nirereklamo at pinaalis ang katulong na kinuha ko, wala akong magagawa kundi sundin ang gusto ng aking mga anak”.

Pero bakit ayaw pa ring umalis si Cunanan? Ano bang meron sa puwestong DepEd Superintendent na ayaw niyang iwanan?

NAKAKAHIYA NA SIYA SA MGA BATIKOS AT MGA REKLAMO pero ayaw pa rin niyang magpalipat. Buong lalawigan ay apektado na mula mga mag-aaral, mga guro, mga principal at mga supervisor.

Sabagay, magmula magkaroon tayo ng president na mapagmura, na hindi tumutupad sa pangako, na walang paki-alam kung ano man ang sinasabi ng ibang mga president, na binabatikos ng maraming pinagpipitagang mga tao sa mundo, na laging tinatakot at ginigipit ang mga kritiko (tulad ng ABS-CBN, Philippine Daily Inquirer, United Nations officials, Santo Papa at marami pang iba), ang maling pamamalakad ay naging uso.

Katapangan ng hiya, pakapalan ng mukha uso na.

Madam Cunanan, sana ma-isip mo na ang mga mayors na nagpapa-alis sa iyo ay iniluklok ng daan-daang libong mga taga-Tarlac. Hindi sila gumawa ng resolution laban sa iyo nang dahil lamang gusto nila.

Ang kanilang basehan sa pagpapalipat sa iyo ay ang mga reklamo ng mga tao at mga opisyales ng DepEd.

Madam Cunanan, huwag mo sanang hintayin na ang mismong mga tao ang kumaladkad sa iyo palabas ng iyong tanggapan.

Habang panatag pa ang isipan ng mga mamamayan, Madam Cunanan umalis na po kayo. Hindi naman pala kayo qualified sa inyong puwesto

Sa Tarlac, hindi uubra ang makapal ang mukha.

AYAW NA NAMIN KAYO SA TARLAC, BAKIT AYAW PA NINYONG UMALIS?

ADVERTISEMENT

Share:

No comments:

Post a Comment

Search This Blog

Recent Posts